Ang pagbalik-tanaw sa ating kasaysayan ay napakahalaga lalong-lalo na bilang isang mag-aaral upang patuloy itong maibahagi sa mga susunod pang henerasyon. Ang pelikulang Heneral Luna ay isang halimbawa na lamang ng pagbabalik-tanaw sa ating kasaysayan sapagkat alam naman nating hindi lahat tayo ay alam ang istorya ni Heneral Luna sapagkat hindi naman lahat ng bayani at mga tao na parte ng ating kasaysayan ay naipakikilala sa paraan ng pelikula, kaya napakalaking tulong ang pagsasapelikula ng kasaysayang ito upang lubos nating maintindihan ang mga pangyayari sa nakaraan.
Sequence ng Iskrip
Ang mga dayalogo at mga linyang isinasalita ng mga karakter sa pelikula ay napakamasining at may mga malalalim na kahulugan sa likod ng mga iyon. Alam naman natin na napakamakata ng mga tao noong unang panahon ngunit dahil sa pagbabagong nagaganap habang tumatagal ay nagbabago rin ang ating paraan ng pagsasalita at pag-iisip. Mapapansin naman na napakagaling ng pagkakagawa o pagkakasulat ng iskrip sapagkat masining ang mga linya ng mga tauhan sa pelikula.
Sinematograpiya
Ang pagkuha ng mga eksena sa pelikula ay napakagaling sapagkat makikita roon na talagang naangkop ang background ng eksena sa iniisip, nararamdaman, at nais ipabatid ng isang karakter sa pelikula. Makikita roon ang kagandahan ng kalikasan at mararamdaman mo roon ang lungkot at pasakit na sinapit ng mga nagsipagdigma upang ipaglaban ang Pilipinas at ang pangingibabaw ng pagiging makabayan ng mga Pilipino noong unang panahon na makikita sa mga eksena.
Musika/Tunog
Makikita naman na talagang naaayon ang musikang ipinapatugtog sa bawat eksenaat napakahalaga nito sa isang pelikula sapagkat sa pamamagitan nito ay naipaparamdam ang mga emosyon ng mismong karakter ng pelikula sa mga manonood. Halimbawa na lamang noong masaya ang eksena kung saan ay may mga nakakatawang linya ang mga karakter ay napapatawa rin tayo dahil sa paglapat ng musika sa eksenang yaon at kapag nalulungkot naman o nagagalit ang mga karakter ay napapaiyak rin tayo at napapakuyom ng kamao na tila gusto nating saktan ang taong dahilan noon. Sa paglalapat naman ng tunog ay napabalikwas tayo sa ating inuupuan kapag may pagsabog atyong naririnig sa giutna ng digmaan. Napakalaking kontribusyon ng musika sa isang pelikula sapagkat nadaragdagan ito ng buhay at nakapagpapalabas ng emosyon ng mga manonood.
Disenyong Pamproduksiyon
Ang kagamitan sa pelikula ay halatang pinaghirapang ginawa at nakatulong nang malaki sa pagpapaganda ng mga eksena at naging makatotohanan ang bawat pangyayari sa pelikula, katulad na lamang ng mga lumang kagamitan at ang kasuotan ay talagang ginaya kung ano ang kasuotan noong unang panahon kaya para akong naglakbay sa nakaraan sapagkat naging makatotohanan ang mga eksena sa pelikula.
Pagdidirehe
Mapapansin namang napakahusay ng pagdidirehe ng pelikula sapagkat talagang naipakita ng direktor ang pagiging makabayan ng mga tao noong unang panahon at naisabuhay niya ang mga taong naging parte ng ating kasaysayan sa katawan ng mga karaker sa pelikula at naipalabas niya ang pagiging isang tunay na Pilipino sa puso at utak ng mga manonood.